who me?
who me?
sa oras na 'to lumilipad ang isip ko sa pagkakataong makakahinga na ako ng malalim...
gusto kong maging bahagi ng itim na ulap ngayong umaga na nagbabadya ng malakas na ulan at ilang ulit na tapilok sa aking pag-uwi sa las piƱas
gusto kong magtago (ngayon na) sa pagitan ng mga aklat kong pinadikit-dikit ng aking scanner at tape dispenser na maya-maya'y magiging abala na naman sa pag-ilaw, paggalaw, at paninilaw (yukk!)
gusto ko na talagang huminga at managinip (ngayon na!) at pansamantalang mamatay sa piling ng mabahong hanging para kahit minsa'y maramdaman kong ayos lang ang lahat at sa aki'y walang nakatingin.
masyado yata akong hinele ng masasayang alaala kaya't nabubuang ako ngayong wala ni isang paramdam na "hindi ka naiisa!"
marahil/tiyak lilipas din ito. at sa paglipad ng lungkot mawawala muli ang pagdalaw ng tugma sa aking salita.
gusto ko na sanang maging bula pero hindi pa ko diwata! (relasyon??? ewan!)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home