ulan...
mahal ko ang ulan...
dahil ba sa tulang ito, ang ibig sabihin ng pagmamahal ko ay pamamaalam?
*Palaging May Ulan ang Pamamaalam
Sir Mike Coroza
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng PANANDALIANG pagsasama’t lugod.
Huwag kang lilingon at baka malusaw
Ng asin ang mithing pagbabagong-loob.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod.
Bangkay na lulutang ang panghihinayang
Ngayong nalunod na ang lahat ng pusok
At kuyom sa dibdib ang basang alabok.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng PANANDALIANG pagsasama’t lugod.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home